|
||||||||
|
||
Si Adam Silver, Komisyoner ng NBA
Kasunod ng di-paghingi ni Daryl Morey, General Manager ng Houston Rockets, ng paumanhin tungkol sa kanyang maling pananalita sa isyu ng Hong Kong, at di pagbibigay-parusa ng National Basketball Association (NBA) sa kanya, bukas ding ipinahayag ni Adam Silver, Komisyoner ng NBA, ang pagkatig niya sa umano'y kalayaan ng pagsasalita ni Morey.
Kaugnay nito, muling ipinalabas ng China Central Television (CCTV) sports channel ng China Media Group (CMG) ang pahayag na nagsasabing sinuspendi ang pagsasahimpapawid ng mga laro ng NBA. Bukod dito, malinaw ding ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi maisasagawa ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa panig Tsino, kung walang kaalaman sa pulso o opinyon ng mga mamamayang Tsino.
Maliwanag na ginagamit ng mga "Silver" ang "kalayaan ng pagsasalita" para sadyang baluktutin ang konsepto at guluhin ang opinyong pampubliko. Sa mula't mula pa'y walang lubos na kalayaan sa pagsasalita, at hindi saklaw sa kalayaan ng pagsasalita ang anumang pananalitang naghahamon sa soberanya ng bansa at katatagang panlipunan. Ang mga nagawang eksplanasyon nina Silver at Morey ay nagpapakita lamang ng kanilang ibang masamang hangarin, kayabangan, at kabastuhan.
Kasabay ng pag-anunsyo ng pagpapahalaga sa malawak na pamilihang Tsino, hindi binibigyan ng mga "Silver" ng respeto ang kapakanang pang-estado at damdamin ng bansa ng 1.4 bilyong Tsino. Kung napapanatili nila ang rasyonal na kaisipan, dapat nilang bawiin ang maling pananalitang lumalapastangan sa Tsina at humingi ng matapat na paumanhin sa mga Chinese NBA fans.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |