Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CCTV Komentaryo: G. Morey, dapat humingi ng paumanhin sa Tsina

(GMT+08:00) 2019-10-07 19:41:54       CRI

Malawakang pagbatikos mula sa iba't ibang sektor ng Tsina ang nakatuon kay Daryl Morey, General Manager ng Houston Rockets dahil sa suportang ipinahayag niya sa mga radikal sa Hong Kong sa kanyang tweet. Ipinahayag ng Konsulada Heneral ng Tsina sa Houston ang solemnang representasyon. Magkasunod ding ipinatalastas ng Chinese Basketball Association at China Central Television (CCTV) sports channel ng China Media Group (CMG), kasama ng mga isponsor at partner na Tsino ang kani-kanilang suspensyon o pagtigil ng pakikipagtulungan sa Houston Rockets.

Sa ilalim ng matinding pagtutol mula sa Tsina, ipinahayag ni Tilman Fertitta, may-ari ng Rockets na hindi nagsalita si Morey sa ngalan ng Houston Rockets, para ihiwalay ang koponan mula sa tweet ni Morey. "HINDI kami organisasyong pulitikal," saad ni Fertitta. Ipinahayag din ng NBA ang kawalang-kasiyahan sa tweet ni Morey at ang kanyang paninindigan ay nakasakit sa damdamin ng mga kaibigan at fans na Tsino. Pero, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa humingi ng paumanhin si Morey.

Ang suporta ni Morey sa mga manggugulo sa Hong Kong ay hindi lamang lumalampas sa bottomline ng Tsina, salungat din ito sa paninindigan ng NBA, at nakasisira sa imahe ng sarili niya at ng Houston Rockets.

Dahil kay Yao Ming, labis na kinagigiliwan ang Houston Rockets ng maraming Tsino. Nitong 17 taong nakalipas, maraming kompanyang Tsino ang lumagda ng kasunduan ng sponsorship sa team. Makatwirang masabing si Morey mismo ay isa sa mga pinaka-nakikinabang dahil sa popularidad ng koponan sa Tsina. Pero, ang kagustuhan ng mga fans na Tsino ay hindi dapat ituring bilang labis na pagbibigay para sa pagkawalang-pakundangan. Bilang mamamayang Tsino, ang pagmamahal ng mga fans sa koponan ay hindi mangingibabaw sa kanilang pagmamahal sa bansa.

Ang isyu ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina na hinding hindi pahihintulutang pang-himasukan ng mga dayuhan. Kailangang taos-pusong humingi ng paumanhin si Morey at Houston Rockets sa publikong Tsino.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>