Ipinahayag ng Tsina ang mariing pagtutol sa paglakip ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ng 28 entidad na Tsino sa Entity List, sa pangangatwiran ng karapatang pantao. Kabilang sa nasabing listahang ipinalabas nitong Lunes, Oktubre 7, ang Departamento ng Seguridad na Pampubliko ng Xinjiang Uyghur Autonomous Region, at 18 sangay nito, Kawanihan ng Seguridad na Pampubliko ng Xinjiang Production and Construction Corps , at walong kompanyang Tsino na kinabibilangan ng HikVision.
Bilang tugon, sinabi ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang katotohanan ang di-umano'y na isyu ng karapatang pantao sa Xinjiang na ipinararatang ng panig Amerikano. Ang mga hakbanging isinasagawa ng Tsina sa Xinjiang para masugpo ang terorismo at ekstrimismo ay alinsunod sa mga batas ng bansa at mga pandaigdig na praktika, dagdag pa ni Geng. Ang naturang kilos ng panig Amerikano ay labag sa mga saligang norma ng pandaigdig na relasyon at nagsisilbing panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina, diin ni Geng.
Hinimok din ng tagapagsalitang Tsino sa Kagawaran ng Komersyo ng Amerika na kanselahin ang naturang listahan.
Ipinahayag din ang katulad na pagtutol at kahilingan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina.
Salin: Jade