Inulit Huwebes, Setyembre 19, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga suliranin ng Xinjiang ay suliraning panloob ng Tsina, at walang karapatang makialam dito ang ibang bansa. Aniya, nitong nakalipas na ilang araw, sa katwiran ng karapatang pantao, maraming beses na nagsalita ang mga opisyal na Amerikano ng walang batayan hinggil sa patakaran ng Tsina sa pangangasiwa sa Xinjiang, at buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino.
Kaugnay ng plano ng panig Amerikano sa pagbanggit ng isyu ng Xinjiang, sa panahon ng ika-74 na Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), tinukoy ni Geng na ang gaganaping pangkalahatang debatehan ng pangkalahatang asemblea ng UN ay mahalagang plataporma at pagkakataon para sa pagtalakay ng komunidad ng daigdig hinggil sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig. Di-angkop at hindi magtatagumpay ang pakikialam ng iilang bansa sa suliraning panloob ng ibang bansa, sa panahon ng naturang debatehan.
Salin: Vera