Sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, sinimulan nitong Martes, Oktubre 08, ni Punong Ministro Manasseh Sogavare ng Solomon Islands ang anim na araw na opisyal na pagdalaw sa Tsina. Kaugnay nito, sinabi ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang unang pagdalaw ng liderato ng Solomon Islands sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa nitong nagdaang Setyembre, ang pagbisita ni Punong Ministro Sogavare ay may napakahalagang katuturan sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon sa ilalim ng bagong situwasyon.
Sa kanyang pamamalagi sa Tsina, nakatakdang katagpuin si Sogavare nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac