Sa panahon ng katatapos na bakasyon ng Pambansang Araw mula Oktubre 1 hanggang 7, mahigit 79,400 pasahero ang pinaglingkuran ng bagong bukas na Beijing Daxing International Airport, at 504 na flights ang lumapag at lumipad dito.
Bukod dito, dahil sa katangi-tanging disenyo ng Daxing Airport, mahigit 518,000 turista ang bumisita sa paliparan.
Binuksan ang Beijing Daxing International Airport noong Setyembre 25. Ipinagmamalaki ng ikalawang international airport ng Beijing ang disenyo ng pagpapauna sa interes ng mga tao, at mga bagong ideyang pangkaunlaran ng Tsina na nagtatampok sa inobasyon, berde at pagbubukas.
Salin: Jade
Pulido: Mac