Nang sagutin ang tanong ng mamamahayag hinggil sa kapasiyahan ng China Central Television (CCTV) ng China Media Group (CMG) sa pagsuspendi ng pagsasahimpapawid ng mga laro ng National Basketball Association (NBA) ng Amerika, ipinahayag Martes, Oktubure 8, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi maisasagawa ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa panig Tsino, kung walang kaalaman sa pulso o opinyon ng mga mamamayang Tsino.
Ani Geng, nagharap na ng solemnang representasyon sa panig Amerikano ang Konsulada Heneral ng Tsina sa Houston, kaugnay ng maling pananalita ng kaukulang personahe ng Houston Rockets. Magkakasunod ding nagpalabas ng mga pahayag ang Chinese Basketball Association (CBA) at mga Chinese partner ng Houston Rockets.
Salin: Vera