Mula noong Oktubre 10 hanggang Oktubre 11, ginanap sa Washington ang bagong round ng konsultasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa mataas na antas.
Sa ilalim ng patnubay ng mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, isinagawa ng kapuwa panig ang matapat, mabisa at konstruktibong pagtalakay hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan na kapuwa nila pinahahalagahan, at natamo ang substansiyal na progreso sa mga larangang gaya ng agrikultura, pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang isip (IPR), exchange rate, serbisyong pinansyal, pagpapalawak ng kooperasyong pangkalakalan, paglilipat ng teknolohiya, pagresolba sa alitan at iba pa.
Tinalakay rin ng kapuwa panig ang iskedyul ng konsultasyon sa susunod na hakbang, at sinang-ayunang magkasamang magsikap tungo sa pagdating ng pinal na kasunduan.
Ang delegasyong Tsino sa nasabing konsultasyon ay pinamunuan ni Liu He, Pangalawang Premyer ng bansa. At ang grupong Amerikano ay pinamunuan naman nina Robert Lighthizer, U.S. Trade Representative, at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya.
Salin: Vera