Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: igigiit ang paghahanap ng magkatulad na punto samantalang isa-isang-tabi ang pagkakaiba para resolbahin ang mga problema

(GMT+08:00) 2019-10-12 14:56:17       CRI

Ipininid Biyernes, Oktubre 11, 2019 sa Washington ang bagong round ng konsultasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa mataas na antas. Sa panahon ng 2-araw na konsultasyon, sa ilalim ng patnubay ng mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, isinagawa ng kapuwa panig ang matapat, mabisa at konstruktibong pagtalakay hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan na kapuwa nila pinahahalagahan, at natamo ang substansiyal na progreso sa mga larangang gaya ng agrikultura, pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang isip (IPR), exchange rate, serbisyong pinansyal, pagpapalawak ng kooperasyong pangkalakalan, paglilipat ng teknolohiya, pagresolba sa alitan at iba pa. Tinalakay rin ng kapuwa panig ang iskedyul ng konsultasyon sa susunod na hakbang, at sinang-ayunang magkasamang magsikap tungo sa pagdating ng pinal na kasunduan.

Ang resulta ng konsultasyong ito ay nagpapakitang batay sa makatarungan at pragmatikong pakikitungo, umusad ang panig Tsino't Amerikano tungo sa paglutas sa mga problema. Ang pag-iwas sa ibayo pang paglala at pagpapalaganap ng alitang pangkalakalan ay hindi lamang mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi umangkop din sa inaasahan ng malaking bahagi ng komunidad ng daigdig.

Chinese Vice Premier Liu He and U.S. Trade Representative Robert Lighthizer wave to journalists in Washington, DC, October 11, 2019. [Photo: Bloomberg via VCG]

Bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, masalimuot ang isyung pangkabuhaya't pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at Amerika. Pagkaraan ng mahigit isang taong pabagu-bagong situwasyon, dapat malaman ng kapuwa panig na ang paggigiit sa paghahanap ng magkatulad na punto samantalang isinasa-isang-tabi ang pagkakaiba, at unti-unting pagresolba ng mga alitan hanggang dumating sa pinal na kasunduan ay mas aktuwal na solusyon.

Lubos na pinatutunayan ng katotohanan noong nagdaang isang taon na hindi nalulutas ng pagpapataw ng karagdagang taripa ang anumang problema, sa halip, magbubunsod lamang ito ng palalim nang palalim na kapinsalaan sa panig Tsino't Amerikano, maging ng komunidad ng daigdig.

Ang kooperasyon ng Tsina at Amerika ay magbubunga ng mutuwal na benepisyo, at ang alitan ay makakapinsala sa kapuwa panig. Nakahanda ang panig Tsino na resolbahin ang mga problema, sa pamamagitan ng mahinahong atityud, pagsasanggunian at kooperasyon, pero hinding hindi ito yuyukod sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa prinsipyo. Kahit anumang pagbabago ang magaganap, walang humpay na palalalimin ng Tsina ang reporma, at palalawakin ang pagbubukas, para maisakatuparan ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>