Dumating kahapon, Sabado, ika-12 ng Oktubre 2019, ng Kathmandu, kabisera ng Nepal, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para isagawa ang kanyang kauna-unahang dalaw-pang-estado sa basang ito.
Inihandog ni Pangulong Bidya Devi Bhandari ng Nepal ang maringal na seremonya sa paliparan bilang panalubong kay Xi.
Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Xi ang pag-asang, sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, mapapataas ang lebel ng relasyon ng Tsina at Nepal, mapapalakas ang pag-uugnayan ng dalawang bansa, at maidudulot ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Liu Kai