Inihandog ngayong araw, Sabado, ika-12 ng Oktubre 2019, sa paliparan sa Kathmandu, kabisera ng Nepal, ni Pangulong Bidya Devi Bhandari ng bansang ito ang maringal na seremonya bilang panalubong kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Si Xi ay dumating kaninang hapon, local time, ng Kathmandu, para isagawa ang kanyang kauna-unahang dalaw-pang-estado sa Nepal.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Xi ang pag-asang, sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, mapapataas ang lebel ng relasyon ng Tsina at Nepal, mapapalakas ang pag-uugnayan ng dalawang bansa, at maidudulot ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Liu Kai