Nag-usap ngayong araw, Linggo, ika-13 ng Oktubre 2019, sa Kathmandu, kabisera ng Nepal, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Khadga Prasad Sharma Oli ng Nepal.
Ipinahayag ni Oli, na buong tatag na kinakatigan ng Nepal ang pangangalaga ng Tsina sa soberanya at kabuuan ng teritoryo nito, at buong tatag na isinasagawa ang prinsipyong "Isang Tsina." Tututulan at hinding-hindi pahihintulutan din ng Nepal ang paggamit ng anumang puwersa ng teritoryo nito, para isagawa ang aktibidad ng paglaban at paghihiwalay ng Tsina.
Binigyang-diin naman ni Xi, na tiyak na mabibigo ang mga tangkang paghiwalayin ang anumang lugar ng Tsina. Ang pagkatig ng anumang puwersang panlabas sa paghihiwalay ng Tsina ay itinuturing din ng mga mamamayang Tsino na "pangarap nang gising," dagdag niya.
Salin: Liu Kai