Nakipagtagpo kahapon, Sabado, ika-12 ng Oktubre 2019, sa Kathmandu, kabisera ng Nepal, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Ganesh Prasad Timilsina, Tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Nepal.
Sinabi ni Xi, na pinatibay ng malalim na pagkakaibigan ng Tsina at Nepal ang kompiyansa ng kapwa bansa sa pagpapasulong ng kanilang relasyon. Umaasa rin aniya siyang, palalakasin ng mga lehislatura ng Tsina at Nepal ang pagpapalitan at pagtutulungan, para magkasamang pasulungin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai