Nakipagtagpo ngayong araw, Linggo, ika-13 ng Oktubre 2019, sa Kathmandu, kabisera ng Nepal, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Pushpa Kamal Dahal, Co-chair ng Nepal Communist Party.
Positibo si Xi sa mahalagang ambag na ginawa ni Dahal para sa katatagang pulitikal ng Nepal at pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Nepal. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na palalimin, kasama ng Nepal, ang komprehensibong kooperasyon. Nakahanda naman ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) na palakasin ang pakikipagpalagayan sa Nepal Communist Party, dagdag niya.
Salin: Liu Kai