Sa kanyang pakikipag-usap ngayong araw, Linggo, ika-13 ng Oktubre 2019, sa Kathmandu, kabisera ng Nepal, kay Punong Ministro Khadga Prasad Sharma Oli ng bansang ito, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na palalakasin ng kanyang bansa ang pakikipagkooperasyon sa Nepal sa aspekto ng pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Dagdag niya, kinakatigan ng Tsina ang Nepal sa pagsasakatuparan ng hangaring "masaganang Nepal at maligayang mga Nepali."
Salin: Liu Kai