Sa kanyang pakikipag-usap ngayong araw, Linggo, ika-13 ng Oktubre 2019, sa Kathmandu, kabisera ng Nepal, kay Punong Ministro Khadga Prasad Sharma Oli ng bansang ito, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na tiyak na mabibigo ang mga tangkang paghiwalayin ang anumang lugar ng Tsina.
Winika ito ni Xi bilang tugon sa pahayag ni Oli hinggil sa buong tatag na pagsasagawa ng Nepal ng prinsipyong "Isang Tsina."
Binigyang-diin din ni Xi, na ang pagkatig ng anumang puwersang panlabas sa paghihiwalay ng Tsina ay itinuturing ng mga mamamayang Tsino na "pangarap nang gising."
Salin: Liu Kai