Sinabi kamakailan ni Liu Yongfu, Puno ng Tanggapan ng Namumunong Grupo sa Pagbabawas ng Kahirapan at Usapin ng Kaunlaran ng Konseho ng Estado ng Tsina, na sa katapusan ng taong ito, may pag-asang mai-aahon ang 95% ng mahirap na populasyon ng Tsina batay sa kasalukuyang nakatakdang pamantayan. Samantala, sa pamamagitan ng pagsisikap sa taong 2020, malulutas ang kahirapan sa bansa, dagdag niya.
Sa pamamagitan ng pagsisikap nitong mga taong nakalipas, tumatahak ang Tsina sa landas ng pagbabawas ng kahirapan na may sariling katangian, at nai-ahon na ang mahigit 700 milyong mahihirap. Dahil dito, ang Tsina ay naging bansa sa daigdig na may pinakamalaking nai-ahong mahirap na populasyon, at natupad nito ang mga target hinggil sa pagbabawas ng kahirapan sa ilalim ng United Nations Millennium Development Goals.
Ang mga natamong bunga ng Tsina sa pagbabawas ng kahirapan nitong mga taong nakalipas ay hindi lamang nagpapatibay ng kompiyansa ng bansa sa pagsasakatuparan ng target na pawiin ang kahirapan sa taong 2020, kundi nagpapatunay ding mabisa ang landas ng pagbabawas ng kahirapan ng bansa.
Salin: Liu Kai