Sa pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina kamakailan, nilinaw ang target sa pagbabawas ng kahirapan sa taong 2019. Ayon dito, mahigit 10 milyon ang i-a-ahon mula sa kahirapan sa taong 2019. Bukod dito, tutulungan din ang humigit-kumulang 300 bayan upang makahulagpos sa kahirapan. Para rito, ipinahayag Miyerkules, Pebrero 20, 2019, ni Ou Qingping, Pangalawang Direktor ng State Council Leading Group Office of Poverty Alleviation and Development ng Tsina, na sa kasalukuyang taon, patuloy na pasusulungin ng bansa ang pagpawi sa kahirapan sa mga napakahirap na rehiyon, at puspusang reresolbahin ang mga namumukod na problemang gaya ng pagkain, compulsory education, pundamental na segurong medikal, pabahay at iba pa.
Sapul nang idaos ang ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), malalimang pinasulong ng buong partido at lipunan ang gawain ng pagpawi sa kahirapan, at natamo ang disididong progreso. Noong 2018, na-i-ahon ng Tsina ang 13.86 milyong mamamayan mula sa kahirapan. Napababa rin ng 1.43% ang poverty incidence kumpara noong 2017.
Salin: Vera