Sa preskon ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw, Huwebes, ika-7 ng Marso 2019, sa Beijing, ipinahayag ni Liu Yongfu, Puno ng State Council Leading Group Office of Poverty Alleviation and Development, na nitong 6 na taong nakalipas, binawasan ng Tsina ang mahigit 80 milyong mahihirap, at katumbas ito ng 85% ng kabuuang mahirap na populasyon. Aniya, sa taong ito, babawasan pa ng bansa ang mahigit 10 milyong mahihirap.
Sa ibang okasyon nang araw ring iyon, sinabi naman ni Cheng Lihua, Pangalawang Ministro ng Pananalapi ng Tsina, na sa taong ito, ilalaan ng sentral na pamahalaan ang mahigit 120 bilyong yuan na espesyal na pondo para sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap. Aniya, ang halagang ito ay lalaki ng halos 20% kumpara sa taong 2018.
Salin: Liu Kai