Idinaos nitong Martes, Oktubre 16, 2019 sa Beijing ang Unang World Science and Technology Development Forum. Nagpadala ng liham na pambati dito si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na ang pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya ay nagsilbing kinakailangang landas para sa paglutas sa mahahalagang isyung pandaigdig na pinahahalagahan ng iba't ibang bansa.
Diin ni Xi, palagiang iginigiit ng Tsina ang pagbubukas at pagtutulungan, at pinaghahalu-halo ang 2030 Agenda for Sustainable Development at estratehiyang pangkaunlaran at kalagayan ng sariling bansa, para maisakatuparan ang mas de-kalidad, mas mahusay, mas makatarungan, at mas sustenableng pag-unlad. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng nasabing porum, mapapasulong ang kooperasyon ng mga siyentista, edukador at mangangalakal ng iba't ibang bansa, at mapapatingkad ang katalinuhan at puwersa para sa pagtatatag ng Community with a Shared Future for Mankind.
Salin: Vera