Mula ika-11 hanggang ika-13 ng buwang ito, bumiyahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Indya at Nepal. Dumalo siya sa ika-2 di-pormal na summit ng Tsina at Indya, at nagsagawa naman ng dalaw-pang-estado sa Nepal.
Ang Indya at Nepal ay mga mahalagang kapitbansa ng Tsina sa Timog Asya. Ang matagumpay na pagdalaw ni Pangulong Xi ay hindi lamang nagpalakas ng pagtitiwalaan ng Tsina at dalawang bansang ito, kundi nagpalalim din ng kani-kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Makakatulong din ang biyaheng ito sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang Timog-Asyano sa ilalim ng Belt and Road. Mahalaga ito sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyong ito at maging sa buong daigdig.
Salin: Liu Kai