|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Miyerkules, Oktubre 16, 2019 kay John Key, dating Punong Ministro ng New Zealand, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dumaranas ang kasalukuyang situwasyong pandaigdig ng malalim at masalimuot na pagbabago. Aniya, sa kalagayang ito, nagiging mas malakas ang mithiin ng Tsina sa pagpapalakas ng pakikipagkooperasyong panlabas.
Ipinahayag pa niya na sa panahon ng panunungkulan ni John Key bilang PM, nakapagbigay siya ng positibong ambag para mapasulong ang relasyon ng Tsina at New Zealand. Umaasa aniya siyang patuloy na makakapag-ambag si John Key para patuloy na mapalalim ang kooperasyong pangkaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinaabot naman ni John Key ang mainit na pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC). Nananalig aniya siyang tiyak na magtatagumpay ang "Belt and Road" Initiative na iniharap ni Pangulong Xi.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |