Binuksan nitong Huwebes, Oktubre 17, 2019 sa Beijing ang Zhongguancun Forum 2019. Nagpadala ng liham na pambati rito si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, mabilis na sumusulong ang bagong round ng repormang pansiyensiya't panteknolohiya at transpormasyong industriyal. Ang may inobasyong pag-unlad, kooperasyon at win-win situation ay nagsilbing galaw ng panahon. Nakahanda aniya ang Tsina na aktibong sumali sa pandaigdigang kooperasyon sa inobasyon, bahaginan ng bunga ng may inobasyong pag-unlad ang iba't ibang bansa sa daigdig, at magkakapit-bisig na itatag ang Community with a Shared Future for Mankind.
Idinaraos ang kasalukuyang porum mula Oktubre 16 hanggang Oktubre 18. Ang tema nito ay "Cutting-Edge Technology & Future Industries."
Salin: Vera