GDP ng Tsina, lumaki ng 6.2% noong unang 3 kuwarter
(GMT+08:00) 2019-10-18 11:07:07 CRI
Ayon sa datos na ipinalabas ngayong araw, Oktubre 18, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika, lumampas sa 69.78 trilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina noong unang tatlong kuwarter ng 2019. Ito ay mas mataas ng 6.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018.
Kabilang dito, 6.4% ang paglaki ng unang kuwarter, 6.2% ay pagtaas ng ikalawang kuwarter, at 6.0% para sa ikatlong kuwarter.