Ayon sa datos na ipinalabas ngayong araw, Oktubre 18, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika, lumampas sa 69.78 trilyong yuan RMB (mga 9.87 trilyong U.S. dollars) ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina noong unang tatlong kuwarter ng 2019. Ito ay mas mataas ng 6.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018.
Kaugnay nito, sinabi ni Mao Shengyong, Tagapagsalita ng nasabing kawahihan, na totoong bumagal ang paglaki ng kabuhayan ng Tsina, pero, ayon sa inisyal na pagtaya, kung ihahambing sa ibang mga pangunahing kabuhayan ng daigdig na may isang trilyong dolyares pataas na GDP, nananatili pa ring pinakamabilis ang paglaki ng ekonomiya ng Tsina.
Dagdag pa ni Mao, sa kabila ng di-tiyak na kalagayang panloob, marami pa ring positibong elemento sa loob ng Tsina para ipagpatuloy ang matatag na paglaki ng kabuhayan. Kabilang dito ang lumalagong serbisyo, lumalaking konsumo, pag-u-upgrade ng mga bahay-kalakal, at dumaraming suporta at insentibong pampatakaran ng bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio