|
||||||||
|
||
Pinagtibay nitong Sabado, Oktubre 19, 2019 ng House of Commons of the United Kingdom ang amendment na iniharap ni mambabatas Oliver Letwin kung saan humihiling sa pamahalaan na tapusin muna ang prosesong lehislatibo ng mga kaukulang nilalaman ng kasunduang pagkalas ng Britanya sa Unyong Europeo (EU) bago isumite ito sa parliamento para bumoto sa Brexit deal.
Resulta nito, dapat hilingin ni Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya sa EU na ipagpaliban muli ang pagkalas nito sa EU, kung hindi, mayroong problemang pambatas.
Sabado ng gabi, Oktubre 19 (local time), ipinadala ni Johnson ang liham kay European Union president Donald Tusk kung saan hihiling sa pagpapaliban pa sa kasunduang pagkalas ng Britanya sa EU.
Ayon sa saad sa Tweet ni Tusk, sa oras na matanggap niya ang liham, agad niya itong ikokonsulta sa iba pang mga EU leaders, na posibleng abutin ng ilang araw.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |