Ayon sa estadistikang inilabas kamakailan ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng kasalukuyang taon, lumaki ng 6.2% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, nananatiling matatag sa kabuuan ang takbo nito, at nasa makatwirang antas ang mga pangunahing indeks ng makro-ekonomiya. Sa ilalim ng kalagayang pagtaas ng presyur dahil sa pagbaba ng kabuhayang pandaigdig, bagamat may pagbagal ang paglago ng kabuhayang Tsino, tumatakbo ito sa loob ng makatwirang pamantayan. May ganap na kompiyansa at kakayahan ang Tsina sa pagsasakatuparan ng nakatakdang target ng makro-ekonomiya.
Batay sa iba't ibang ekonomikong indeks, kung lalawak ang hanap-buhay, tataas ang kita ng mga residente, bubuti ang kalidad ng kapaligirang ekolohikal, at unti-unting gaganda ang kalidad ng pag-unlad. Bukod dito, magiging katanggap-tanggap din ang pagbabago ng bilis ng paglago ng kabuhayan sa angkop na lebel, at maaaring maging optimistiko ang daigdig sa prospek ng kabuhayang Tsino.
Sa kasalukuyan, tuluy-tuloy na kumukumpleto ang estruktura ng kabuhayang Tsino, walang humpay na bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, at tuluy-tuloy ring tumataas ang kalidad ng pag-unlad. Hindi nagbabago ang batayan ng pagbuti ng kabuhayang Tsino sa pangmalayuang panahon.
Salin: Vera