|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, sinabi Martes, Oktubre 22, 2019 ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na ang Tsina ay isang estratehikong kalaban ng Amerika, na gumagamit ng pagpipilit at korupsyon bilang kagamitan ng pangangasiwa sa bansa.
Kaugnay nito, pinabulaanan nitong Miyerkules ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang nasabing pananalita ni Pompeo. Ipinagdiinan niya na ang Tsina ay isang responsableng malaking bansa. Ito ay may bukas at aboveboard na mga gawa at kilos.
Idinagdag pa niya na bilang tugon sa mga paninirang-puri ng ibang bansa, kailangang ipaliwanag ng Tsina ang katotohanan at ilabas ang posisyon nito.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |