|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 21, 2019 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang umiiral ang kompetisyon at pagkakaiba ng Tsina at Amerika. Hinggil dito, dapat aniyang hanapin ng dalawang panig ang kanilang pagkakasundo at isa-isang-tabi ang pagkakaiba para makontrol ang alitan.
Sa kanyang talumpati Oktubre 17 ni David Stilwell, Asistanteng Kalihim ng Estado ng Amerika, ipinahayag niyang nasa yugto ng estratehikong kompetisyon ang relasyong Sino-Amerikano. Dapat aniyang baguhin ng Amerika ang porma ng pakikipag-ugnayan sa Tsina. Binigyan din niya ng walang batayang batikos ang sistemang panlipunan ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Hua na ang pagnanais ng Amerika na baguhin ang kaisipan ng iba ayon sa sariling kagustuhan, ay mali mula simula, at hinding hindi ito maisasakatuparan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |