|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing nitong Miyerkules, Oktubre 23, 2019 kay Henry M. Paulson, Jr., dating Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ayon sa pagkakasundo ng mga lider ng dalawang bansa, dapat igiit ng Tsina at Amerika ang pagkokoordinahan at pagtutulungan para maayos na makontrol ang alitan at maisakatuparan ang may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.
Ipinahayag din ng premyer Tsino ang kahandaan ng Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansa sa daigdig na kinabibilangan ng Amerika para mapasulong ang kapayapaan, kaunlaran, at kooperasyon sa mundo.
Ipinahayag naman ni Paulson ang pag-asang magkasamang magsisikap ang dalawang bansa upang mapataas ang pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa at makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |