|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ng opisyal ng Amerika na nasa pinakamasamang kalagayan ang kasalukuyang ekonomiyang Tsino nitong 57 taong nakalipas, at dahil dito, napapanahon ang pagdaraos ng Sino-American trade talks.
Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Oktubre 23, 2019 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagdududa ng iilang tao sa datos ng kabuhayang Tsino ay walang anumang batayan.
Ani Hua, sa isyu ng kalagayang ekonomiko ng Tsina at ibinibigay na ambag ng Tsina sa kabuhayang pandaigdig, nauna nang nagbigay ng obdiyektibong pag-analisa at pagtaya ang komunidad ng daigdig. Hindi aniya ito madaling mabago sa pamamagitan ng iilang pangungusap lamang.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |