|
||||||||
|
||
Sa kanyang mensaheng pambati sa Ika-9 na Beijing Xiangshan Forum, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang kapayapaan ay permanenteng hangarin ng sangkatauhan. Aniya, iginigiit ng Tsina ang pagpapasulong ng kooperasyon sa pamamagitan ng diyalogo, pagpapasulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng kooperasyon, at pagpapasulong ng pag-unlad sa pamamagitan ng kapayapaan.
Ipinagdiinan din niya na dapat buong tatag na pangalagaan ang sistemang pandaigdig, kung saan ang United Nations (UN) ay ang nukleo; at walang humpay na pabutihin ang bagong security partnership. Iniharap pa niya na dapat itatag ang estrukturang panseguridad na angkop sa aktuwal na kalagayang panrehiyon bilang tugon sa espesyal na situwasyon ng iba't-ibang panig ng daigdig. Ito aniya ang "kalutasang Tsino" para mapangalagaan ang kapayapaan sa rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig. Ang mga kaukulang paninindigan ni Pangulong Xi ay tumutugma sa komong hangarin ng iba't-ibang bansa sa paghahanap ng kapayapaan, kaunlaran, at kooperasyon.
Sa hinaharap, patuloy na igigiit ng Tsina ang bagong ideyang panseguridad para palagiang maging tagapagtatag ng kapayapaang pandaigdig, tagapag-ambag ng kaunlarang pandaigdig, at tagapagsuporta sa kaayusang pandaigdig, diin ni Xi.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |