Kinatagpo nitong Huwebes, Oktubre 24 ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas si Hu Chunhua, dumadalaw na pangalawang premyer ng Tsina. Nakahanda ang dalawang lider na ibayo pang pasulungin ang bilateral na relasyon sa iba't ibang larangan.
Sa pagtatagpo, inulit ni Pangulong Duterte ang pagpapahalaga sa relasyon sa Tsina. Nakahanda rin aniya ang Pilipinas na makilahok sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan. Ipinahayag din ni Duterte ang hangarin ng Pilipinas na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba't ibang larangan, para magkasamang mapasulong ang komprehensibong estratehikong relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Hu ang kahandaan ng Tsina na pahigpitin ang pag-uugnay ng mga patakaran ng pambansang kaunlaran ng dalawang bansa, palawakin ang pagtutulungang pangkalakalan at pampuhunan, pabilisin ang pagpapasulong ng mga pangunahing kooperatibong proyekto, pahigpitin ang pagtutulungang panrehiyon at multilateral, at panatilihin ang ugnayan at koordinasyon sa mga isyung kapuwa pinahahalagahan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio