Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Porum na Pang-negosyo ng Pilipinas at Tsina, idinaos sa Beijing

(GMT+08:00) 2019-08-31 16:52:01       CRI

Idinaos Agosto 30, 2019 ang Porum na Pang-negosyo ng PIlipinas at Tsina sa Beijing. Dumalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, mga miyembro ng kaniyang gabinete at mga business leaders ng Pilipinas at Tsina.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang sektor ng negosyo sa Tsina na bahagi ng pag-unlad ng Pilipinas at nagtitiwala sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa. Muling giniit ni Pangulong Duterte ang kanyang pangakong itatag ang isang business friendly environment, upang matiyak ang paglago ng dayuhang pamumuhunan.

Binigyan diin niyang tutol ang kanyang pamahalaan sa anumang uri ng korupsyon lalo na sa mga tanggapan na direktang may kinalaman sa pamumuhunang dayuhan.

Isa sa mga hangarin ng business forum ang pagkakaroon ng kooperasyon at partnership ng Pilipinas at Tsina sa mga industriya ng konstruksyon at industriya ng bakal.

Dumalo rin ang ilang opisyal Pilipino at mga kinatawan ng sektor ng negosyo at pamumuhunan ng kapwa Pilipinas at Tsina, kabilang ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. at China International Chamber of Commerce for the Private Sector (CICCPS).

Ulat: Mac
Larawan: Jade/Frank
Edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>