Bumigkas ng talumpati hinggil sa Tsina nitong Huwebes, Oktubre 24, sa Wilson Center si Mike Pence, Pangalawang Presidente ng Estados Unidos. Kabilang sa mga pangunahing paksa sa talumpati ni Pence ang kabuhaya't kalakalan, militar, karapatang pantao, relihiyon at iba pa.
Masasabing ang paninindigan ni Pence hinggil sa mga patakaran ng Tsina sa Xinjiang at Hong Kong ay labag sa saligang prinsipyo ng relasyong Sino-Amerikano na "paggagalangan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo at di-pakikialam sa mga suliraning panloob ng isa't isa." Kapuwa ang isyu ng Xinjiang at Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina. Ang naturang cliché ni Pence ay taliwas sa kasalukuyang pagsisikap ng Tsina't Amerika para sa maalwang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Sa kabila nito, ipihayag ni Pence ang kahandaan ng Washington sa pagkakaroon ng diyalogo at kooperasyon sa Beijing. Ang mga retorikang ito ay taliwas kung ihahambing sa pananalita niya hinggil sa mga patakaran ng Tsina noong isang taong nakaraan.
Matatandaang natamo ng Tsina't Amerika ang substansyal na progreso sa pinakahuling round ng talastasang pangkabuhaya't pangkalakalan sa mataas na antas. Sa ilalim ng situwasyong ito, higit na kailangang lutasin ng dalawang bansa ang mga nuklenong ikinababahala ng isa't isa, batay sa pagkakapantay at paggagalangan, para makalikha ng mainam na kapaligiran, para sa pagpapalawak ng pagtutulungan at pagsasakatuparan ng komong kaunlaran. Sa paraang ito, mapapabuti ang interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig.
Salin: Jade
Pulido: Rhio