Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

TNK, idaraos sa sidlines ng Ika-2 CIIE

(GMT+08:00) 2019-10-30 15:46:31       CRI

Sa panayam, kamakailan sa Serbisyo Filipino ng China Media Group, ipinahayag ni Mario C. Tani, Commercial Vice Consul ng Philippine Trade and Investment Center (PTIC) – Shanghai, na nakatakdang idaos, Nobyembre 5, 2019, sa sidelines ng Ika-2 China International Import Expo (CIIE) ang Ika-2 Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK).

Si Mario C. Tani, Commercial Vice Consul ng Philippine Trade and Investment Center (PTIC) – Shanghai

Aniya, ang TNK ay isang inisyatiba ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilalim ng pamamahala ni Kalihim Ramon M. Lopez.

Ito'y isang kasangkapan upang isulong ang kaisipan ng pagnenegosyo sa mga Pilipino, saad niya.

Aniya pa, sa pamamagitan ng TNK, maituturo sa mga Pilipino kung paano magtayo ng sariling negosyo o micro, small and medium enterprises (MSME), na makakabuti sa pagsusulong kanilang pamumuhay, at susuporta sa pagkakaroon ng trabaho ng maraming Pilipino.

"Sa Pilipinas, ang mga MSME ang bumubuo sa 99.57% ng lahat ng negosyo. Kaya, mas maliit pa sa 1% ang malalaking negosyo sa bansa," saad niya.

Kaya naman, ito na ang tamang panahon, ani Tani upang i-upgrade ang mga MSME, sa usapin ng teknolohiya, at kaisipan.

"Ilan sa mga Pilipinong natulungan natin, ay talagang interesado na magtayo ng negosyo, kailangan lang nila ng kaunting tulak sa tamang direksyon, sa pamamagitan ng tamang pagsasanay, at wastong motibasyon. At ito ang nais nating gawin dito sa Shanghai, at buong Tsina dahil marami tayong kababayan na naririto," dagdag niya.

Ang TNK ay isang taunang aktibidad na idinaraos ng DTI sa sidelines ng CIIE.

Para sa taong ito, idaraos ang nasabing pagtitipon sa Renaissance Hotel, Caohejing, lunsod ng Shanghai, Nobyembre 5, 2019, mula ala siyete ng gabi hanggang alas nuwebe y medya ng gabi (19:00 – 21:30).

Dadalo at magtatalumpati rito si Kalihim Ramon M. Lopez ng DTI, kasama ang iba pang opisyal na gaya nina Undersecretary Abdulgani M. Macatoman at Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) Executive Director Pauline Suaco-Juan.

Inimbitahan din ni Tani ang lahat ng Pilipinong nasa Tsina at buong mundo na dumalo sa Ika-2 TNK.

Ulat: Rhio
Web Editor: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>