Ipinahayag, Oktubre29,2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, buong tatag na pagtutol sa panggigipit ng Amerika sa ilang kompanyang Tsino. Muli rin niyang hinimok ang Amerika na agarang itigil ang aksyong ito.
Hinggil dito, ayon sa pahayag na ipinalabas kamakailan ng Federa Communications Commission (FCC), pagbobotohan sa malapit na hinaharap, ang dalawang usaping magbabawal sa mga kompanya ng telekomunikasyon ng Amerika na bumili, sa pamamagitan ng pondo ng FCC, ng mga produkto ng Huawei Technologies Co. ltd at Zhongxing Telecom Equipment (ZTE) ng Tsina. Sinabi rin sa pahayag na ang mga pasilidad ng Huawei at ZTE ay may panganib na maaaring puminsala sa seguridad ng bansa.
Hinggil dito, ipinahayag ni Geng na ang naturang aksyon ng economic bullying ng Amerika ay hindi magtatamo ng suporta ng komuinidad ng daigdig. Aniya pa, ang mga aksyon ng Amerika ay posibleng magkapinsala sa interes ng mga kompanya at mamimili ng sariling bansa.
Hinimok din ni Gen gang Amerika na itigil ang di-makatuwirang panggigipit sa mga kompanyang Tsino, at ipagkaloob ang pantay na kapaligiarn para sa normal na aktibidad ng mga kompanyang Tsino sa Amerika. Dapat aniyang gumawa ang Amerika ng mas maraming bagay na magpapasulong sa kooeprasyon at pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah