Ayon sa impormasyong inilabas kamakailan ng Ministri ng mga Suliraning Panloob ng Myanmar, noong taong piskal 2017 hanggang 2018, bumaba ng 9% ang saklaw ng pagtatanim ng poppy sa buong Myanmar, at bumaba rin ng 5.45% ang output ng poppy.
Sapul noong 1999, isinasagawa ng pamahalaan ng Myanmar ang 15-taong plano ng pagbabawal sa droga na nagkakahalaga ng 200 milyong dolyares. Sumasailalim sa nasabing plano ang 54 na bayan na nagtatanim at gumagawa ng droga. Kasabay ng pagbabawas ng pagtatanim ng poppy, may pagbaba rin ang kabuuang output ng produksyon ng droga sa bansa.
Salin: Vera