Idinaos nitong nagdaang Lunes, Setyembre 16, sa Yangon, Myanmar ang seremonya ng pagtatanghal ng mga pelikulang Tsino sa kanayunan ng bansa.
Tatlong pelikulang Tsino na kinabibilangan ng The Miracle Fighters, Hello Mr. Billionaire at Running Like Wind ang inilalabas sa mga nayon ng Kyaukpyu, Yenangyaung, Mandalay at iba pa.
Ito ang ikatlong taon nang singkad na pagpapalabas ng mga pelikulang Tsino sa mga lugar na rural ng Myanmar. Ang programang tinaguriang "Bukas na Sinehan" ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng Pasuguan ng Tsina sa Myanmar, China Media Group-China Radio International, China Film Group Corporation, at mga may kinalamang departamento ng Myanmyar. Layon nitong pasulungin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio