|
||||||||
|
||
Pinagtibay kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Parliamento ng Britanya ang mosyon para sa maagang pagdaraos ng pambansang halalan sa Disyembre 12 ng kasalukuyang taon.
Dahil walang partido ang nakakuha ng totoong bentahe sa proseso ng "pagkalas sa Europa (Brexit)" na isinusulong ng Mababang Kapulungan, lumitaw ang hadlangan sa nagkakaibang porma sa pagitan ng Mababa at Mataas na Kapulungan hinggil sa "Brexit" Agreement. Ang maagang pagdaraos ng pambansang halalan ay posibleng magkaloob ng isang kalutasan sa maligalig na proseso ng "Brexit."
Kasalukuyang sinusubukan sa proseso ng "Brexit" ang katalinuhan at responsibilidad ng mga politikong Britaniko. Talagang tumpak na landas ng pangangasiwang pulitikal ang pagtuturing sa kapakanan at benepisyo ng mga mamamayan bilang pinakamahalagang hangarin.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |