Hinimok nitong Miyerkules, Oktubre 30, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang ilang bansang kanluranin na alisin sa lalong madaling panahon ang pagbabalat-kayo sa umano'y pangangalaga sa kaparatang pantao, itigil ang pagsasapulitika at pagsasagawa ng double standard sa isyung ito, at itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, sa katwiran ng karapatang pantao.
Sa diyalogo ng Ika-3 Komite ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) at Committee on the Elimination of Racial Discrimination (CERD) na ginanap nitong Martes, siniraang-puri ng ilang bansang kanluranin na kinabibilangan ng Amerika at Britanya ang Tsina, dahil sa isyung may kinalaman sa Xinjiang.
Dagdag ni Geng, sa nasabing diyalogo, ipinahayag ng mahigit 60 bansa ang kani-kanilang pagkatig sa paninindigan ng panig Tsino sa isyung may kinalaman sa Xinjiang. Aniya, hanga ang naturang mga bansa sa napakalaking progreso ng Tsina sa karapatang pantao at mga patakaran nito sa pangangasiwa sa Xinjiang. Tinututulan din nila ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa katwiran ng karapatang pantao.
Salin: Vera