Sa isang magkakasanib na pahayag kamakailan ng 54 na bansang kinabibilangan ng Belarus, Pakistan, Rusya, Ehipto, Bolivia, Democratic Republic of Congo, Serbiya at iba pa sa United Nations (UN), binigyan nila ng positibong pagtasa ang natamong bunga ng mga patakaran ng Tsina sa paglaban sa terorismo at deradikalisasyon sa Xinjiang. Tinukoy ng nasabing pahayag na mabisang iginagarantiya ng mga hakbanging ito ang pundamental na karapatang pantao ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonnalidad sa Xinjiang. Ito'y muling nagpapakitang ang natamong bunga ng paglaban sa terorismo sa Xinjiang, at kalagayang pangkaunlaran nito ay malawakang nauunawaan at kinikilala ng komunidad ng daigdig.
Kumpara sa pagkiling ng iilang bansang kanluranin, mas marami ang bilang ng mga bansang kumakatig sa Tsina, at mas malawak ang pagkatawan. Ang palagay at paninindigan ng magkakasanib na pahayag ng 54 na bansa ay nagpapakita ng paggalang sa pundamental na katotohanan ng pag-unlad ng Xinjiang.
Bukod sa lubos na pagkilala sa natamong bunga ng Xinjiang sa mga aspektong gaya ng paglaban sa terorismo, pag-unlad ng kabuhaya't lipunan at iba pa, nasusuya na ang mga bansang gaya ng Belarus sa double standard ng ilang bansang kanluranin sa pamantayan ng karapatang pantao. Napagtanto nila ang tangka ng nasabing mga bansang kanluranin na makialam sa suliraning panloob ng ibang bansa, sa ngalan ng karapatang pantao. Ang katarungan ng isyu ng Xinjiang ay nasa puso ng mga tao, at hinding hindi magtatagumpay ang tangkang pagsasapulitika sa isyung ito.
Salin: Vera