Ayon sa ulat, sa kanyang talumpati sa Hudson Institute sa New York nitong Miyerkules, Oktubre 30, 2019, sinabi ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na ang ostilong palagay ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) laban sa Amerika at American Values ay nagdudulot ng hamon sa Amerika, maging sa buong mundo. Kaugnay nito, ipinahayag dito sa Beijing nitong Huwebes ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kaukulang pananalita ni Pompeo ay lubos na nagbubunyag sa pagkiling pulitikal ng iilang pulitikong Amerikano.
Aniya, nitong nakalipas na 70 taon sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, sa ilalim ng pamumuno ng CPC, natamo ng bansa ang kapansin-pansing tagumpay ng pag-unlad. Buong tatag aniyang tatahak ang mga mamamayang Tsino sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, at walang humpay na tatamuin ang mga bagong tagumpay. Dagdag ni Geng, tiyak na mabibigo ang anumang tangka na dungisan ang Tsina, at hadlangan ang matatag na pag-unlad ng bansa.
Salin: Vera