Kaugnay ng datos na isinapubliko kamakailan ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD), ipinahayag nitong Miyerkules, Oktubre 30, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maliwanag na nakikita kung sino ang mas bukas at kung sino ang mas konserbatibo. Aniya, mas mabilis ang hakbang ng reporma ng Tsina, at mas ang pinto ng Tsina.
Sinabi rin ni Geng na matapos ang ilang araw, gaganapin sa Shanghai ang Ikalawang China International Import Expo (CIIE). Isandaan at siyamnapu't dalawang (192) kompanyang Amerikano ang kumpirmadong lalahok sa ekspong ito, na mas malaki ng 18% kumpara sa nagdaang taon. Muli nitong ipinakikitang lipos ang kompiyansa ng mga bahay-kalakal ng iba't-ibang bansang kinabibilangan ng Amerika sa prospek ng kabuhayang Tsino, at handa nilang patuloy na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Lito