Nag-usap kahapon ng hapon, local time, Nobyembre 1, 2019, sa Tashkent, Uzbekistan, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Abdulla Aripov ng bansang ito.
Ipinahayag ni Li ang kahandaan ng Tsina, na payamanin, kasama ng Uzbekistan, ang nilalaman ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa. Dapat din aniyang palawakin ng Tsina at Uzbekistan ang pagbubukas sa isa't isa, para lumikha ng bagong kalagayan ng bilateral na pragmatikong kooperasyon.
Ayon naman kay Aripov, umaasa ang Uzbekistan, na patuloy na palalawakin, kasama ng Tsina, ang saklaw ng bilateral na kalakalan, mamumuhunan sa bansa ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino, iluluwas sa Tsina ang mas maraming produktong agrikultural, at daragdagan ang mga direktang flight sa pagitan ng dalawang bansa. Ang mga ito aniya ay para walang humpay na patatagin ang tradisyonal na pagkakaibigan at komprehensibo at estratehikong partnership ng Uzbekistan at Tsina.
Salin: Liu Kai