Nagtagpo kagabi, local time, Nobyembre 1, 2019, sa Tashkent, Uzbekistan, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya.
Positibo si Li sa pagkakaroon nila ni Medvedev ng mga bagong komong palagay hinggil sa kooperasyong Sino-Ruso sa kanilang pagtatagpo sa Saint Petersburg, Rusya. Umaasa rin aniya siyang palalakasin ng Tsina at Rusya ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Sinabi naman ni Medvedev, na mabunga ang pagtatagpo nila ni Li sa Saint Petersburg. Umaasa aniya siyang palalalimin ng Rusya at Tsina ang kooperasyon sa inobasyon sa siyensiya at teknolohiya, para ibayo pang pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai