Kinatagpo kagabi, local time, Nobyembre 1, 2019, sa Tashkent, Uzbekistan, si Premyer Li Keqiang ng Tsina ni Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng bansang ito.
Sinabi ni Li, na ang pagbubukas sa isa't isa at pagpapalawak ng pagtutulungan ay makakatulong sa paglikha ng Tsina at Uzbekistan ng mas maraming pagkakataong pangkaunlaran at pagsasakatuparan ng matuwal na kapakinabangan. Nakahanda aniya ang Tsina, na pasulungin ang koordinasyon ng Belt and Road Initiative at estratehiyang pangkaunlaran ng Uzbekistan.
Ipinahayag naman ni Mirziyoyev, na ang pagpapanatili ng matagal na pagkakaibigan ng Uzbekistan at Tsina ay bunga ng pagkakaroon ng mga lider ng dalawang bansa ng komong palagay sa kooperasyon. Umaasa rin aniya siyang palalawakin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang aspekto, at palalalimin ang pagpapalitan ng kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Liu Kai