Binuksan Linggo, Nobyembre 3, 2019 ang Ika-35 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, na dapat palakasin ng mga bansang ASEAN at mga dialogue partners nito ang kooperasyon para magkakasamang harapin ang komong hamon at maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad. Idaraos mula Nobyembre 2 hanggang 4 sa Bangkok ang Ika-35 ASEAN Summit at naturang serye ng pulong.
Bago idaos ang seremonya ng pagbubukas, idinaos ng mga lider ng sampung (10) bansang ASEAN ang sesyong plenaryo kung saan tinalakay ang tungkol sa konstruksyon ng komunidad ng ASEAN. Bukod dito, nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa direksyon ng pag-unlad ng ASEAN sa hinaharap, pagpapalakas ng sustenableng pag-unlad ng iba't-ibang larangan sa Timog Silangang Asya, at iba pang isyu.