Bangkok, Thailand—Sa panahon ng kanilang pagdalo sa isang serye ng mga pulong ng mga lider ng East Asian Cooperation, nagtagpo nitong Linggo, Nobyembre 3, 2019 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam.
Saad ni LI, umaasang igigiit ng panig Tsino't Biyetnames ang pangkalahatang direksyon ng pag-unlad ng bilateral na relasyon, upang likhain ang mainam na atmospera para sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa susunod na taon. Aniya, dapat maayos na hawakan ng kapuwa panig ang mga isyung pandagat, at likhain ang paborableng kondisyon para sa pagpapalawak ng pagpapalitan at pagtutulungan. Diin ni Li, nakahandan ang panig Tsino, kasama ng panig Biyetnames na patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at hanapin ang mas malaking benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Nguyen na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Nakahanda aniyang gawing pagkakataon ang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, para mapalakas ang pagpapalitan sa mataas na antas, mapalalim ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, maayos na hawakan ang mga isyung pandagat, sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian, at mapasulong ang tuluy-tuloy at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames.
Salin: Vera