Idinaos ngayong araw, Linggo, ika-3 ng Nobyembre 2019, sa Bangkok, Thailand, ang Ika-22 Summit ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Dumalo sa pulong si Premyer Li Keqiang ng Tsina, at mga lider ng iba't ibang bansang ASEAN, na kinabibilangan nina Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei, Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, Punong Ministro Mahathir Bin Mohamad ng Malaysia, Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam, State Counsellor Aung San Suu Kyi ng Myanmar, Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos, at Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.
Salin: Liu Kai